Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang pag-apruba ng House Committee on Women and Gender Equality sa revised Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, o Sex Characteristics (SOGIESC) Equality Bill.
Sa ilalim ng panukala, itinutulak ang pagbabawal sa anumang uri ng diskriminasyon batay sa SOGIESC.
Para sa CHR, ‘long overdue’ na ang panukala na higit 20 taong na-pending.
Umaasa itong magtutuloy na ang pag-usad nito sa kongreso at agad na ring maisabatas para matugunan ang araw araw pa ring dinaranas na harassment at karahahsan ng mga nasa LGBTQIA+ community.
“The vulnerability to any and many forms of discrimination is more pronounced for sectors living without a specific legislation that protect them against it.”
Sa pamamagitan nito, maisusulong aniya ng legislative branch ang commitment nitong bigyang proteksyon ang karapatan ng mga kabilang sa LGBTQIA+ community.
Punto pa nito, mahalaga ang pagkakaroon ng isang SOGIESC equality law tungo sa isang pantay at nagkakaisang lipunan.
“This bill should be viewed by our legislators from the lens of the State’s obligation to be unwavering in pushing for genuine equality in rights and dignity in our society—a context where an individual can be their best selves without their SOGIESC being used against their growth and development.” | ulat ni Merry Ann Bastasa