Pagbisita ng Chinese Navy Training Ship, malugod na tinanggap ng Philippine Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagkalooban ng Philippine Navy ng welcome ceremony ang People’s Liberation Army (PLA) Navy training ship Qi Jiguang (83) sa pagdating nito sa Pier 15 sa South Harbor kahapon.

Bago dumating sa pantalan, sinalubong ng BRP Andres Bonifacio (PS17) ang Qi Jiguang sa pagpasok nito sa Manila bay.

Ang apat na araw na “goodwill visit” ng Chinese Navy sa bansa ay bahagi ng kanilang regional tour na bibisita din sa Vietnam, Thailand, at Brunei.

Katatampukan ito ng “interaction” sa kanilang mga katuwang sa Philippine Navy tulad ng mga palaro, shipboard tour, mga reception, at courtesy call ng Commander of the PLA Task Force and Political Commissar of PLA Dalian Naval Academy, Rear Admiral Su Yinsheng, kay PN Flag Officer In Command, Vice Adm. Toribio Adaci Jr.

Ang huling pagbisita sa bansa ng Chinese Navy ay noong 2019, nang magsagawa ng limang araw na “goodwill visit” ang tatlong barko ng PLA Navy Escort Task Group 539. | ulat ni Leo Sarne

📷: S1PH Sherwin Donato PN & S1JO Gerald Datiles PN /NPAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us