Inihain sa Kamara ang House Bill 8163 o Philippine Commission on Children Act.
Ayon sa may akda nito na si House Assistant Majority Leader at PBA Party-list Representative Margarita Nograles, nilalayon nitong itatag ang Philippine Commission on Children (PCCh).
Magsisilbi itong special agency na tututok sa pagprotekta ng karapatan at kapakanan ng mga bata.
Sakop nito ang pagtiyak, na naipatutupad ang mga batas para sa proteksyon ng mga kabataan at paglalatag ng mga polisiya, research at proyekto para sa mga bata.
Magiging isa itong attached agency ng Office of the President.
Titiyakin din nito ang pakikipag-ugnayan at koordinasyon sa mga Local Councils for the Protection of Children, at Regional Committees/Sub-committees for the Welfare of Children.
Magtatatag din ng Technical Advisory Group (TAG) na magbibigay ng mga rekomendasyon at guidelines para sa mga polisiya at proyekto ng panukalang komisyon. | ulat ni Kathleen Forbes