DOH NCR, nagsagawa ng aksyon vs. Dengue

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglunsad ngayong araw ang Department of Health National Capital Region (DOH-NCR) ng paglilinis kontra Dengue.

Bago ang programa sa San Andres Gym sa Malate, Maynila, nagsagawa na ng paglilinis sa iba’t ibang lugar na sakop ng Brgy. 702, 704 hanggang 706 sa lungsod.

Sa datos ng World Health Organization (WHO) Western Pacific Region, nasa 39,947 ang kaso ng dengue sa bansa hanggang noong April 29 na mas mataas ng 43 percent kumpara sa parehong panahon noong 2022.

Nagresulta ito sa kamatayan ng 127 indibidwal na mas mababa sa mahigit 160 na nasawi dulot ng dengue sa parehong panahon noong 2022.

Kasabay ng kampanya laban sa dengue, isang malawakang paglilinis din ang isinagawa ng Lungsod ng Maynila ngayong araw,

Bahagi ito ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila, kung saan nanguna ang mga lokal na opisyal ng lungsod sa mga paglilinis kabilang na ang pagtatanggal ng mga naipong basura sa mga drainage at iba pa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us