Nasa P20 milyong halaga ng smuggled goods, nasabat ng BOC ngayong 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na pinalalakas ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang laban kontra smuggling, kung saan sa unang bahagi pa lamang ng 2023, nasa higit P20 milyong halaga na ng smuggled goods ang naharang ng tanggapan.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Customs Atty. Vincent Maronilla, na sinasalamin lamang ng programang ito ang pinalakas na anti-smuggling program ng kanilang tanggapan.

Dahil dito, kumpiyansa ang opisyal na hindi lamang nila basta maaabot ang 2023 collection target, bagkus ay mahihigitan pa ito.

“Tuloy-tuloy din po ang aming pangako na tutuparin namin, aabutin namin ang aming collection target; hindi lang po abutin kundi lalampasan po namin ito… Mahigpit po ang pangangailangan ng ating pamahalaan sa pagpopondo at gustong maka-contribute ang Bureau of Customs dito sa pangangailangan na ito.” — Atty. Maronilla.

Ayon kay Atty. Maronilla, target rin ng BOC na mapataas ang kanilang surplus upang makatulong sa pagpopondo sa mga proyekto ng national government. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us