Panukalang K+10+2 system, pinag-aaralan pa ng EDCOM 2

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan pang mabuti ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ang inilalatag na K+10+2 education system, kapalit ng kasalukuyang pinapairal na K to 12 system.

Ayon kay Senate Committee on asic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian, kabilang sa mga kinokonsidera nila ang pros at cons ng ipinapanukalang sistema.

Ipinunto ni Gatchalian, na bagamat papabor ang naturang sistema sa mga mag-aaral na nais nang maka-graduate matapos ang 10 taon na pag-aaral dahil sa kagustuhang makapagtrabaho na.

Dapat rin aniyang masiguro, na maibibigay sa kabataan ang nararapat na kaalaman at kasanayan para sa paghahanap nila ng trabaho.

Sa aspetong ito aniya, makakatulong ang ipinapanukala niyang Batang Magaling Act, kung saan titiyaking mabibigyan din ng national certification ang mga magsisipagtapos ng technical vocational courses sa ilalim ng Senior High School curriculum.

Iginiit ng senador, na importante ang national certification dahil ito ang kadalasang hinahanap ng mga employer na patunay na sila ay may sapat na kasanayan sa kursong kanilang tinapos.

Dapat na rin aniyang magkaroon ng akreditasyon mula sa TESDA ang mga technical vocational (techvoc) course na iniaalok sa ilalim ng ating education system.

Aminado si Gatchalian, na sa ngayon ito ang kulang sa curriculum kaya hindi natutupad ang pangako ng K to 12 na maaari nang makapagtrabaho ang mga graduate ng techvoc course. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us