Makakaasa ang China na makakarating sa mga angkop na benepisyaryo ang 20,000 tonelada ng abono na ibinigay ng Beijing sa Pilipinas.
“Soon, these donated goods will find their way to our Filipino farmers. They will be able to spend the savings gained from production costs [for] other things that matter to them and their families.” —Panagulong Marcos Jr.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. makatutulong ang donasyong ito upang makatipid ang mga Pilipinong magsasaka.
“We will make sure that the message of goodwill from our highly cherished donors will cascade to them and to the rest of our citizenry.” — Pangulong Marcos Jr.
Una nang sinabi ng Pangulo, na malaki ang maitutulong ng donasyong ito para sa food security ng bansa at sa pagpapalakas ng food production sa bansa.
Hunyo 7 nang dumating sa bansa ang 20,000 metric tons ng abono o katumbas ng 400,000 bags ng urea fertilizer.
Ipamamahagi ito sa Region I, II, III, CALABARZON, at V. | ulat ni Racquel Bayan