Ilulunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Emergency Employment Program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD, upang makatulong sa mga manggagawa na naapektuhan ng pag-lburoto ng bulkang Mayon sa Albay.
Sa Mayon Situation briefing noong June 14, iniabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama sina Labor Secretary Laguesma, Bicol Regional Director Angara-Campita, at Assistant Regional Director Romanillos, ang TUPAD assistance sa mga pinuno ng mga bayang naapektuhan ng Mayon na nagkakahalaga ng P50 milyong.
Samantala sisimulan ng DOLE 5 ang profiling ng evacuees ngayon araw.
Sa ilalim ng TUPAD, ang mga kwalipikadong evacuee ay makakatanggap ng mahigit P10,000 katumbas ng 30 araw na trabaho.
Ang evacuees ay pwedeng magtanim, maglinis ng evacuation centers partikular na ang palikuran at kusina o di kaya’y tumulong sa paghahanda ng pagkain para sa mga evacuee.
Ayon kay RD Campita, ang TUPAD ay isasagawa sa tulong ng Department of Social Welfare and Development at ng Department of Agriculture. | ulat ni Twinkle Neptuno|RP1 Albay