Pinagtibay ng Department of Environment and Natural Resources at Japan International Cooperation Agency ang partnership upang palakasin ang forestland management sa bansa para sa economic development at kabuhayan.
Sa courtesy visit ni JICA Chief Representative to the Philippines Sakamoto Takema kay Environment Secretary Antonia Loyzaga, tinalakay ang Forestland Management Project na isang joint DENR-JICA undertaking para palakasin ang forestland management sa tatlong kritikal na river basins sa bansa.
Ito ay ang Upper Magat at Cagayan, Pampanga at Jalaur sa Panay Island.
Nakatutok ang sampung taong proyekto sa rehabilitasyon ng degraded forestlands at pagpapabuti ng socioeconomic conditions ng mga apektadong komunidad sa palibot ng tatlong river basins.
Sa tulong ng FMP ay nagkaroon ng comprehensive community-based management strategies na nagpatatag sa people’s organizations, pagsiguro sa karapatan sa land tenure, enterprise development para sa food security at kita at proteksyon ng forestland resources.
Pinag-usapan din nina Loyzaga and Takema ang iba pang areas of cooperation para sa pangangalaga sa kalikasan, biodiversity conservation, climate change mitigation at disaster risk reduction.
Bukod dito, kasama sa environment-related projects ng JICA ang Pasig-Marikina River Channel Improvement Project, Flood Risk Management Project sa mga lungsod at Disaster Risk Reduction and Management-Capacity Enhancement Project. | ulat ni Hajji Kaamiño