EDSA Bus Carousel, imo-monitor na ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na isasailalim na sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang EDSA Bus Carousel.

Ayon sa DOTr, babantayan ng Bus Management and Dispatch System ng MMDA ang Busway upang paigtingin ang karanasan sa public commuting.

Sa pakikipagtulungan ng MMDA, inaasahang mapapabuti ng innovative system ang biyahe ng mga pasahero sa pamamagitan ng sistematikong pag-monitor sa bilang ng bus na dumadaan sa EDSA Busway.

Tinitiyak nito ang maayos na daloy ng mga bus kaya maiiwasan ang congestion.

Bukod dito, itataguyod ng BMDS ang komprehensibong pag-monitor sa mga driver kung saan gagamit ng QR Codes bilang contactless method upang madaling i-scan ng Dispatching Officers na naka-puwesto sa PITX at Monumento.

Magiging accesible din ang mga impormasyon tulad ng hindi pa nababayarang multa sa traffic violations.  | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us