Mga PMA Cadets na kumuha ng Civil Service Exam, 97% ang pumasa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Civil Service Commission ang resulta ng Civil Service Examination Pen and Paper Test na ibinigay sa mga kadete ng Philippine Military Academy.

Sa ginanap na CSC examination noong Marso 26, ngayong taon may 297 PMA Cadets batch 2023 ang kumuha ng pagsusulit.

Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada, unang pagkakataon ito na kumuha ng pagsusulit ang PMA Cadets.

Sa kabuuang bilang, 288 ang pumasa at 9 lang ang nabigo.

Aniya, nasa 97% ang pumasa at ang national passing rate ay nasa 16.88% lamang.

Nagbigay ng pagsusulit ang CSC, alinsunod sa plano ng PMA na bigyan ng special eligibility ang kanilang mga kadete para makapagsilbi pa rin sila sa bansa, sa civil service, at hindi lamang sa ilalim ng AFP. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us