Namahagi ng cash assistance ang Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Catanduanes para sa mga benepisyaryo ng College Education Financial Assistance Program o (CEFAP).
Ito’y kasunod ng pag-anunsiyo ng PLGU ng bagong set ng mga grantees ng programa para sa 2nd semester ngayong school year.
Ang CEFAP ay may layuning makapagbigay ng asistensyang pinansyal sa mga estudyante sa Private Higher Education Institutions at State Universities sa Catanduanes at Stipend grant na nagkakahalaga ng P2,000 hanggang P10,000 kada semestre.
Unang isinagawa ang payout kahapon, June 16, sa 149 benepisyaryo sa Catanduanes Colleges kung saan tumanggap ang mga ito ng tig PHP4,000 bawat isa.
Isasagawa naman ang payout sa Catanduane State University sa Lunes, June 19 habang June 26 at 27 naman sa Christian Polytechnic Institute of the Philippines.
Sa ngayon ay may 971 CEFAP grantees sa buong lalawigan. | ulat ni Juriz Dela Rosa | RP1 Virac