Isinusulong ng Department of Agriculture IV-A ang mga gawaing naglalayong mapalaganap ang mga programa at serbisyong pang-agrikultura sa malalayong parte ng CALABARZON.
Ayon sa pabatid ng kagawaran, isa sa mga ito ay ang pagdaraos ng Huntanan sa Kanayunan kung saan bahagi ng aktibidad ang presentasyon ng mga pangunahing programa ng ahensya, pamimigay ng polyetos patungkol sa pagtatanim, paghahayupan at pamamaraan sa pagsasaka at ang Farmers’ Forum na nagbigay daan upang direktang masagot ang mga katanungan hinggil sa karanasan at pagpapaunlad ng gawaing pagsasaka.
Kamakailan ay idinaos ang ika-anim na Huntahan sa Kanayunan na dinaluhan ng 130 magsasaka ng Plaridel, Quezon.| ulat ni Tom Alvarez| RP1 Lucena