Aabot sa 1,500 na seedlings ng punong kahoy ang itatanim sa bulubundukin ng Brgy. Karingking sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte.
Ito ay ayon kay Engr. Neil Jose, dating national president ng Pugad Lawin. Ayon sa kaniya, magsasagawa sila ng Eco Ride na may tagline na “We Ride, We Plant, for a Greener Future” sa Hunyo 25 nitong taon.
Aniya, patuloy ang paghikayat nila sa mga rider group sa lalawigan upang maitanim lahat ang naturang bilang ng mga punla.
Kabilang sa mga itatanim ay Narra, Mahogany at Gmelina.
Sinabi naman ni Mr. Michel Bagaoisan, dating namuno sa Pugad Lawin Ilocos Norte, na nasa mahigit na 300 ang mga naibigay na registration form para sa mga gustong makibahagi sa aktibidad.
Magbibigyan naman ng souvenir ang mga kasaling riders gaya ng event shirt, certificate, plaque at iba pa. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag