Sa loob ng pitong araw, patuloy pa ring naglalabas ng lava ang Bulkang Mayon sa Legaspi, Albay.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dumadaloy ang lava sa kahabaan ng Mi-isi at Bonga gullies na may haba na ng 1.5 kilometro at 1 kilometro.
Nasa kabuuang limampung (50) maliit na volume ng pyroclastic density currents at 2,638 rockfall events ang naitala na rin ng Mayon Volcano Network.
Ang lava flow mula sa summit dome ng bulkan ay huling kinuhanan ang video ng Phivolcs kaninang ala-1:34 ng madaling araw. | ulat ni Rey Ferrer