Pasahe sa mga tricycle sa Valenzuela City, ibababa simula bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipatutupad na simula bukas, Hunyo 19 ng Valenzuela City government ang mababang pasahe sa mga tricycle.

Sa anunsyo ng LGU, lahat ng mga tricycle na bumibiyahe sa lungsod ay ibababa na sa P10 ang minimum fare.

Ang pagbaba ng pasahe ay inaprobahan sa ginanap pulong ng Valenzuela City Transportation Office at mga kinatawan ng Tricycle Operators and Drivers’ Association.

Tinalakay ang adjustment ng pamasahe dahil sa pagbaba ng presyo ng gasolina.

Naglabas na rin ng bagong fare matrix ang LGU na ipinamahagi sa mga TODA officials at kailangang ipaskil sa loob ng tricycles. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us