Mga empleyado ng DepEd, makatatanggap ng anniversary bonus

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni DepEd Usec. Gloria Jumamil-Mercado na makatatanggap ng anniversary bonus ang mga kawani ng kagawaran.

Ang anunsyo ng opisyala ay kasabay ng pagbubukas ng isang linggong selebrasyon ng ika-125 na taong pagkakatatag ng DepEd simula ngayong araw.

Batay kasi sa Administrative Order No. 263 at Department of Budget and Management National Budget Circular No. 452, ang lahat ng empleyado ng isang government entity ay maaaring makatanggap ng Anniversary bonus, pagsapit ng 15th year milestone ng ahensya at matapos nito ay kada limang taon.

2018 nang huling makatanggap ng anniversary bonus ang mga empleyado ng DepEd na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P3,000.

Inaasahan na sa June 23 maaaring masimulan ang pamamahagi nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us