Alituntunin para sa implementasyon ng Bangsamoro Barter Trade sa BIMP-EAGA, isinasapinal na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng pagpupulong ang Mindanao Development Authority (MindDA) sa pangunguna ni executive director usec Janet M. Lopoz, kasama ang mga Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) key officials sa pangunguna ni Ministry of Trade Investments and Tourism (MTIT) Abuamri Taddik.

Naroon din sa nasabing pagpupulong ang Provincial Director ng MTIT Tawi- Tawi si Termizie Masahud.

Layunin nito ang pagsasapinal ng mga alituntunin para sa operasyon at implementasyon ng Bangsamoro Barter Trade sa BIMP-EAGA.

Inihanda ang launching nito sa buwan ng Setyembre taong kasalukuyan sa ika-50 taon anibersaryo ng pagkakaseparada ng lalawigan ng Tawi-Tawi sa Sulu.

Sa pamamagitan ng naturang Barter Trading, magiging front door ang lalawigan ng Tawi- Tawi at napakalaking oportunidad ito para sa mga Tawi-Tawians.

Inaasahan ang paglago ng ekonomiya ng lalawigan sa pagbubukas ng naturang Barter Trading.| ulat ni Laila Sharee T. Nami| RP1 Tawi-Tawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us