Patuloy ang pagsusumikap ng pamunuan ng Asturias Elementary School sa bayan ng Jolo, Sulu upang makahikayat ng karagdagang estudyante na magpatala sa naturang mababang pampublikong paaralan.
Sa katunayan, ayon kay Baby Taraji Adjuli, Teacher in-Charge ng Asturias Elementary School, Jolo III District, dumarami na ang kanilang populasyon na nasa 378 na ngayon kung ikukumpara nung pre-pandemic na may 350 lamang matapos madagdagan ng mula 12 hanggang 15 estudyante sa bawat taon.
Makakayanan pa nila aniya ng hanggang sa 410 mag-aaral para sa pitong silid-aralan na tig-isa mula kinder hanggang grade 6, isa sa arabic at may dalawa pang extra na maaaring gamitin ng karagdagang estudyante.
Nagbabahay-bahay sila ani Adjuli sa iba’t ibang barangay sa Jolo bilang bahagi ng hakbang upang makahikayat ng maraming kabataan na mag-aral.| ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo