Common food preparation area at maayos na palikuran, itatayo sa evacuation areas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Parte ng adhikain sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga evacuation areas sa Albay ang pagtatayo ng mga common food preparation area at communal bathing place o palikuran partikular na para sa mga kababaihan.

Ayon kay Provincial Health Office at WASH Coordinator Engineer William Sabater, sa tulong ng Provincial Engineering’s Office at regional office ng Department of Public Works and Highways ay makapagpapatayo ng mga nasabing pasilidad sa evacuation centers.

Dagdag niya, mahalaga ang magkaroon ng isang lugar para sa paghahanda at pagluluto ng pagkain upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga agiw sa mga silid-aralan at posibleng sunog dulot ng pagluluto sa kwarto.

Mahalaga rin aniya ang pagkakaroon ng communal bathing place lalong lalo na sa mga kababaihan sa evacuation centers. Ito ay magbibigay sa kanila ng kinakailangang privacy habang naliligo o gumagamit ng palikuran.

Maliban dito ay maglalagay din ng mga plastic trash bins ang PHO sa lahat ng evacuation centers upang matiyak ang kalinisan at makaiwas sa sakit ang mga evacuee. | ulat ni Twinkle Neptuno | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us