DSWD, i-tinurn over na sa Lalawigan ng Albay ang donasyon mula sa China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagkaloob na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Regional Director Norman Laurio sa Albay Provincial Government ang mga donasyon mula sa People’s Republic of China para sa Mayon evacuees.

Ayon sa DSWD, dumating kaninang umaga sa provincial capitol ang mga relief good lulan ng walong truck.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Albay Governor Grex Lagman kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., DSWD Secretary Rex Gatchalian, Undersecretary Diana Rose Cajipe, at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Sabi pa ng gobernador, malaki ang maitutulong ng donasyon sa mga nasasakupan nito habang pinapasan ang perwisyong dala ng aktibidad ng bulkang Mayon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us