Nakaimbak na armas ng NPA, narekober ng militar sa Eastern Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Narekober ng mga tropa ng 52nd Infantry Battalion (52IB) ang nakaimbak na armas ng New People’s Army sa bisinidad ng Barangay Agsaman sa Jipapad, Eastern Samar.

Ito’y matapos na boluntaryong sumuko ang isang political instructor ng NPA Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) sa mga tropa sa Barangay Dao, Oras, Eastern Samar kamakalawa.

Kasabay nitong isinuko ang isang .45 cal. pistol at itinuro ang imbakan ng armas ng NPA.

Dito’y narekober ng mga tropa ang dalawang AK47 Rifles; isang M14 Rifle; isang Shotgun; Apat na Anti-personnel Mines; at samu’t saring bala.

Ayon kay Visayas Command (VISCOM) Commander Lieutenant General Benedict M Arevalo, ang boluntaryong pagsuko ng naturang NPA ay resulta ng matagumpay na Localized Peace Engagement (LPE) ng mga tropa sa mga komunidad sa lugar, at inaasahan nilang mas marami pa ang magbabalik loob sa pamahalaan sa mga darating na araw. ” ulat ni Leo Sarne

📷: VISCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us