Handa ang tanggapan ng Department of Education (DepEd) Region 5 na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Albay upang bigyan ng agarang solusyon ang congestion sa evacuation centers sa probinsya.
Ayon kay DepEd Regional Director Gilbert Sadsad sa oras na may matukoy na ang pamahalaang lokal na mga paaralan na gagamitin bilang karagdagan evacuation centers ay handa ang ahensya na makipagtulungan sa preparasyon ng pasilidad. Dagdag nya lahat ng paaralang ginagamit bilang evacuation center ay fully utilized sa kasalukuyan.
Aniya, mahalaga tutukan ng lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng karagdagang evacuation centers na sadya para tirhan ng mga evacuee.
Patuloy naman ang pag aaral ng mga kapwa bakwit at residenteng mag-aaral sa mga evacuation centers sa pamamagitan ng pinaghalong on site at modular learning scheme. Tiniyak ng ahensya na walang mapag-iiwanan sa edukasyon sa mga kabataang apektado ng pag alburuto ng Mayon.| ulat ni Twinkle Neptuno| RP1 Albay