Agriculture production, patuloy na pinalalakas ng DA, upang mapababa pa ang presyo ng agri products

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy ang Department of Agriculture (DA) sa pagpapataas ng agricultural production ng bansa, na magre-resulta naman sa pagbaba ng presyo ng mga agricultural produce sa merkado.

“Well, those two go hand-in-hand. The best way to improve, first of all, availability and to keep the prices down is to have a good level of production, na hindi tayo nabibiktima ng tinatawag na imported na inflation, which is what’s happening now kasi napipilitan tayong mag-import,” ani Pangulong Marcos Jr.

Pagsisiguro ng Pangulo, ginagawa na ng pamaahalaan ang lahat ng makakaya nito upang mapataas ang produksyon sa lahat ng aspeto, hindi lamang para sa mais at palay, bagkus ay para na rin sa livestock at fisheries.

Ayon sa Pangulo, nagkaroon na sila ng pulong kasama ang mga opisyal ng DA, kung saan tinakalay kung aling mga programa ang pagtutuunan ng atensyon sa mga susunod na taon, lalo na iyong mga mayroong kinalaman sa pagpapalakas ng produksyon.

“Kaya kami nag-meeting ngayon after the program ay nagfa-finalize kami ng (ilalagay sa) NEP for this year. And I wanted to talk to the usecs and the other bureau chiefs kung ano ‘yung kailangan natin na ipaglaban doon sa budget. So that’s what we were doing upstairs and most of it has to do with increased production,” ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Kabilang rin sa mga napag-usapan ang the Soil Health Program, Aquaculture Development Program, at Biotech Research for Fisheries.

Samantala, upang mapaigting pa ang agricultural commodities at products ng bansa, pinalalakas ng administrasyon ang balikatan nito sa pribadong sektor.

“And that’s why we are going to partnerships, PPP partnerships, with some big groups, some small groups, some locals, some international para mabigyan tayo ng tulong para nga doon sa value chain na mabuo natin,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us