Kinakikitaan na ng improvement ang sitwayon sa West Philippine Sea a(WPS), partikular iyong mga encounter sa pagitan ng Chinese Coast Guard at mga Pilipinong mangingisda.
“Iyong latest na report ay sinundan na lang, hindi na kagaya ng dati na hinaharang. So, there’s a little progress there.” — Pangulong Marcos Jr.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng pinakahuling ulat ng pagsunod ng Chinese Navy vessel sa isang Philippine ship sa PAG-ASA island.
Ayon sa Pangulo, bunga ito ng pinaigting at patuloy na komunikasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
“These things do not come very quickly. Slowly, but we are slowly making progress because the key to that was really, the improved communication between the Philippine government and the Chinese government.” — Pangulong Marcos
Katunayan, ayon sa Pangulo, mayroong naunang projection ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na lalaki ang volume ng mga huli ng mga Pilipinong mangingisda.
Noong magkausap aniya sila ni Chinese President Xi, binigyang diin ng P angulo na unahin na munang talakayin ang sitwasyon ng mga mangingsida, kumpara sa teritoryo.
“Ang inuna ko talaga noong kami ay nagkita, ay sinabi ko unahin na lang natin ‘yong fisheries, huwag na nating pag-usapan ‘yong terirtoryo dahil hindi naman tayo makakapag-decide dito na nag-uusap tayo, unahin niyo ‘yong fisheries dahil sinasabi ko wala namang kasalanan ‘yong tao, bakit natin paparusahan. We are making some progress in that regard.” — Pangulong Marcos Jr.
At sa kasalukuyan, mas maigting na aniya ang komunikasyong ito at nagkakaroon na rin ng abiso tuwing magpapatupad ng fishing ban.
“May coordination na tayong ginagawa sa kanila, para hindi na lang bigla fishing ban na ngayon. Makapagplano naman tayo. Kapag sasabihin may fishing ban in two months-time, planuhin na natin. Ano gagawin ng mangingisda, so bigyan natin sila ibang livelihood or other source of income.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan