Pinalalakas pa ng Marcos Administration ang farm to market road program ng pamahalaan, bilang bahagi ng mga hakbang nito sa pagbibigay ng mas abot-kayang pagkain sa mga Pilipino kasabay ng pag-angat ng buhay ng mga Pilipinong magsasaka.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kung noon walang plano ang programa at naka-base lamang ito sa kung anong lokal na pamahalaan ang hihiling na magkaroon ng farm to market roads, iba na aniya ang sistema nito sa kasalukuyan.
Ayon sa Pangulo, sa kaniyang pagpasok sa programa inaral nila ang mga lokasyon na talagang nangangailangan ng farm to market roads.
“Ngayon, kung iyong mga request na local request ay medyo kasama doon, pwede i-adjust sa national progam ay iyon ang itutuloy namin. We have a major farm to market road. I don’t want to give you the final amount yet because you’re going to print it and it’s going to go through hearings and magbabago.” — Pangulong Marcos Jr.
Pagbibigay diin ni Pangulong Marcos Jr., ang programang ito ay malaki ang gagampanang papel sa pagpapatatag ng supply chain sa bansa.
“That was one of the major concerns, we’ve kept talking about supply chain problems, so that will help the supply chain and bring the farmers closer to the market.” — Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan