Pilipinas, ikinalugod ang pagpapatibay ng UNCLOS agreement sa konserbasyon at sustainable na paggamit ng marine biodiversity

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng Pilipinas ang makasaysayang pagpapatibay ng kasunduan sa konserbsyon at sustainable na paggamit ng marine biodiversity ng lagpas sa kanilang national jurisdiction, sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Alinsunod sa mga probisyon ng UNCLOS sa pagprotekta at pag-iingat sa marine environment, kinikilala ng kasunduan ang pangangailangan na tugunan ang pagkawala ng biological diversity at pagkasira ng mga ecosystem ng karagatan sa isang coherent at cooperative na paraan.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Multilateral Affairs and International Economic Relations, Carlos D. Sorreta na nanguna sa delegasyon ng Pilipinas, na sa loob ng dalawang dekada lumahok ang bansa na may mataas na pag-asa at mataas na adhikain upang mapagtibay ang kasunduan.

Pinuri naman ni United Nations Secretary General António Guterres ang pagpapatibay ng kasunduan bilang pagpapakita ng lakas ng multilateralism.

Magkakaroon ng bisa ang kasunduan 120 araw pagkatapos ng petsa ng pagdeposito ng ika-60 instrumento ng ratipikasyon. | ulat ni Gab VIllegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us