Nakabalik na sa bansa ang isang Filipino national matapos palayain mula sa Central Prison of Adra for Women sa Damascus, Syria.
Ito ay matapos maglabas ang specialized criminal court ng Damascus ng order na pakawalan ang nasabing Filipino national at ibigay sa kamay ng mga awtoridad sa Pilipinas matapos alisin ng may sakdal ang kanilang karapatan bilang pagsunod sa Presidential Amnesty Decree 20 of 2019 at Presidential Amnesty Decree 6 of 2020 ng Syria.
Habang naghihintay sa final approval ng kanyang exit visa ng Syrian Ministry of Interior, nanatili ito sa Detention Center for Foreigners sa Syrian Immigration and Passport Department, kung saan siya ay binisita at inasikaso ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus.
Ang nasabing Filipino national ay dumating sa bansa noong June 16 at siya ay sinalubong ng mga kinatawan mula sa Inter-Agency Council Against Trafficking, Overseas Workers Welfare Administration, at Department of Social Welfare and Development. | ulat ni Gab Humilde Villegas
📷: Damascus PE