Sabayang pamamahagi ng cash assistance sa mga nagsilikas na pamilya sa Albay, patuloy pang isinasagawa ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abot na sa ₱10 milyong tulong pinansyal ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga nagsilikas na pamilya sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa DSWD, nagpapatuloy pa ang sabayang pamamahagi ng pinansyal na tulong ng field office 5 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation(AICS).

Mula noong Sabado, nadagdagan pa ng 1,512 pamilyang evacuees ang nakatanggap ng ₱5,000 cash assistance mula sa ahensya.

Nagmula pa ang mga ito sa mga bayan ng Malilipot, Tabaco, Guinobatan, Camalig, at Daraga.

Karamihan sa mga benepisyaryo ay mula sa

sektor ng manggagawa, Persons With Disability (PWDs), magsasaka, senior citizens, mga buntis, at solo parents. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us