Nagpaalala ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero partikular na ng domestic flights, na agahan ng tatlong oras ang kanilang pagtungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Ito ay kasunod ng paglilipat ng domestic flight operations ng AirAsia Philippines sa NAIA Terminal 2 epektibo sa Hulyo 1.
Ayon kay MIAA Officer-In-Charge Brian Co, bahagi pa rin ito ng ipinatupad na bagong terminal assignment sa mga airline na naglalayong bigyan ng mas maaluwal na biyahe ang mga pasahero sa Paliparan.
Ayon kay Co, magagamit na rin ng AirAsia ang 20 check-in counters at apat na online check-in kiosk sa South Wing ng Terminal 2.
Doble aniya ito kumpara sa mga nakatalagang counter sa Terminal 4, kung saan kasalukuyang humihimpil ang AirAsia.
Dahil sa mga pagbabagong ito, sinabi ni Co na aabot sa 13,000 pasahero ang maa-accommodate sa NAIA Terminal 2 mula sa halos 1,000 lamang sa. | ulat ni Jaymark Dagala