Nagpulong sina United Arab Emirates Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi at si Migrant Workers Secretary Susan Ople.
Ito ay matapos na mag-courtesy call ang ambassador sa kalihim nitong Miyerkules.
Kabilang sa mga tinalakay ang tumaas na demand ng nurses sa UAE, at ang mga paghahanda para sa 4th Philippines-UAE Joint Committee Meeting na planong idaos sa susunod na buwan.
Dumalo rin sa naturang pagpupulong ang ilang opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) kasama ang ilang opisyal ng UAE Embassy sa Pilipinas.
Batay naman sa datos ng DMW at Department of Labor and Employment noong 2022, tinatayang 846,749 ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa UAE kung saan ang karamihan ay domestic helpers at cleaners sa mga bahay, opisina, hotel at iba pang establisyimento, child care workers at waiters.
Sa darating na August 19, 2023, naman ay ipagdiriwang ang ika-49 na anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. | ulat ni Diane Lear