HAPAG sa Barangay Project inilunsad sa Western Visayas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdaos ng regional launching para sa Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Agriculture (DA) sa Brgy. Calumpang Community Garden, Molo, Iloilo City ngayong Miyerkules, Hunyo 21.

Layunin ng proyekto na mapataas ang kapasidad at mapanatili ang agrikultural na aktibidad sa bawat barangay.

Bukod sa Barangay Calumpang, idinaos din ang launching sa Guinbaliwan, New Washington, Aklan;  Bugo, San Remegio, Antique;  Bolo, Roxas City, Capiz; Maabay, Sibunag, Guimaras;  Cagamutan Norte, Leganes, Iloilo; Nato, La Castellana, Negros Occidental; at Sum-ag, Bacolod City.

Kasunod ng launching, ang DA – Western Visayas ay namahagi din ng iba’t ibang vegetable seed at kagamitan sa mga nasabing barangay. | ulat ni JP Hervas | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us