Bilang ng barangay opisyal na hihingi ng proteksyon sa PNP, inaasahang tataas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ng Philippine National Police (PNP) na tataas pa ang bilang ng mga barangay opisyal na hihingi ng proteksyon habang papalapit ang Barangay at Sanguniang Kabataan Elections.

Ayon kay PNP-Police Security and Protection Group (PSPG) Director Police Brig. Gen. Antonio Yarra, dalawang barangay officials na may kumpirmadong banta sa buhay ang nabigyan na ng security ng PSPG at isa namang request ang nakaumang ang pag-apruba.

Paliwanag ni Yarra, ang mga opisyal na may request para sa proteksyon ay kanilang isinasailalim sa threat assessment para makumpirma kung may matinding banta sa kanilang buhay.

Hinimok naman ni Yarra ang mga opisyal na may lehitimong banta sa kanilang buhay na magtungo lang sa pinakamalapit na himpilan para mag-report.

Pagkatapos nito, magkakaroon ng background investigation ang PSPG na iba-validate naman ng Directorate for Intelligence sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ipapasa ang resulta ng assessment for approval naman ng PNP chief. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us