Kauna-unahang Pinoy champion sa F1 Academy race, pinabibigyang pagkilala ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabibigyang pagkilala ng isang mambabatas ang unang Pilipino na nanalo sa Formula 1 Academy race.

Sa inihaing House Resolution 1065 ni Calamba City Rep. Charisse Hernandez, sinabi nito na ang tagumpay ng 18-anyos na si Bianca Bustamante ay magsisilbing inspirasyon sa maraming kabataang Pilipino lalo na sa mga babae na nais pasukin ang karera na isang traditionally male-dominated sport.

Makasaysayan aniya ang pagkapanalo ni Bustamante, na tubong-Santa Rosa, Laguna, bilang unang Pilipinong nanalo sa F1 Academy race na ginanap sa Valencia, Spain noong May 7, 2023.

Tinapos nito ang 11 lap sa loob ng 18 minutes at 49.9 seconds.

Ang F1 Academy ay isang all-female single-seater race. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us