31 repatriates mula sa Sudan, nakauwi na sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik bansa na ang may 31 repatriates o iyong mga Pilipinong nasagip ng pamahalaan buhat sa bansang Sudan.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang naturang repatriates sakay ng Malaysia Airlines Flight MH806.

Ayon sa Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA), sinamahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Labor Attaché Adam Musa ang mga Pinoy repatriate buhat pa sa Sudan.

Sinalubong naman sila ng mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), DMW at OWWA, kung saan binigyan din sila ng pagkain at iba pang airport assistance.

Nagbigay din ng tulong pinasyal ang OWWA sa mga umuwing kababayan bilang panimula muli sa kanilang pagbabalik bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: OWWA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us