Pinag-usapan ni Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. at Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Fernyl Buca, ang paggamit ng reservists at CAFGU active auxiliary sa territorial defense.
Ito ay bahagi ng pagkakaroon ng isang “jointly engaged and readiness-trained force” para sa territorial defense operations ng NOLCOM, na tinaguriang “Defenders of the North”.
Kabilang ito sa mga tinalakay sa pagbisita ni Lt. Gen. Buca sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig, ngayong araw.
Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, ipinarating din ni Lt. Gen. Buca kay Lt. Gen. Brawner ang mga “concern” ng Phil. Army units sa ilalim ng kanyang command.
Ito ay para mapunan ang mga pangangailan sa mga operasyon sa pagtataguyod ng mas ligtas na kapaligiran laban sa mga banta sa hilagang bahagi ng bansa.
Nagpasalamat naman si Lt. Gen. Brawner sa lahat ng nagawa ni Lt. Gen. Buca para mapahusay ang mga operasyon ng NOLCOM. | ulat ni Leo Sarne