MC. no 23 na nag-aapruba sa Philippine Export Development Plan 2023-2028, ibinaba ng Malacañang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas na ng Malacañang ang Memorandum Circular no. 23 na nag-aapruba sa Philippine Export Development Plan (PEDP) 2023-2028.

Layon nitong palakasin ang mga hakbang ng pamahalaan para sa pagpapababa ng antas ng kahirapan sa bansa at sa paglikha pa ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Sa ilalim ng MC, inatasan ang mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan na tukuyin at ipatupad ang mga mahahalagang programa, aktibidad, at proyekto na susuporta sa PEDP.

Sa bisa ng MC, pinagsusumite ang mga tanggapan ng pamahalaan ng inventory ng mga kinakailangang programa, aktibidad, at proyekto, sa Export Development Council (EDC) at sa Office of the President (OP), 60 araw matapos ang pagiging epektibo ng MC.

Ang mga tanggapang rin na ito ang naatasan na mag-develop sa mga natukoy na programa maging sa pagsusulong ng Philippine exports.

Ang mga ito rin ang naatasan na tumiyak na magiging banayad ang daloy ng mga produkto.

Pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang MC. no. 23, ika-23 ng Hunyo, 2023. Ang EDC rin ang titiyak sa biannual validation at updating ng PEDP. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us