Mary Jane Veloso, binisita ng kaniyang pamilya sa Indonesia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ang limang taon, muling nabisita ng kaniyang pamilya si Mary Jane Veloso sa selda nito sa Indonesia.

Ayon sa Migrante International, dalawang araw nanatili sa nasabing bansa ang pamilya Veloso para doon dalawin si Mary Jane sa selda nito, sa Wonisari detention cell sa Yogyakarta.

Kuwento ng ina ni Mary Jane na si Aling Celia, naging emosyunal ang muli nilang pagkikita ng anak kasama ang dalawang apo nito na pawang malalaki na.

Pagbabahagi pa niya, halos hindi pakawalan si Mary Jane ng kaniyang dalawang anak na maya’t maya siyang hinahalikan at niyayakap.

Sumama rin ang pamilya Veloso sa pagdarasal at sabay-sabay na dumadalo sa misa, kung saan nakikita nila si Mary Jane na aktibo sa mga gawaing pagsamba.

Taong 2010 nang mahatulan ng parusang kamatayan si Veloso, kaugnay ng nakuha sa kanyang 2.6 gramo ng heroin na nakita sa kanyang maleta.

Kasama sana siya sa mga bibitayin noong Abril 2015 subalit naantala ito matapos na maaresto ang kanyang mga recruiter.

Patuloy naman ang panawagan ng pamilya at tagasuporta ni Mary Jane para sa clemency nito. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: Migrante International

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us