Patuloy na gumagawa ng mga paraan ang Department of Agriculture (DA) upang mapababa ang presyo ng karneng baboy.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla, sinisikap ng DA na maging epektibo ang mga programa para mapataas ang produksyon ng baboy.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumataas na ang produksyon ng baboy nitong huling bahagi ng 2022 at unang bahagi ng 2023.
Gayunman, aminado si Sombilla na hindi pa naaabot ang antas ng produksyon ng baboy noong bago tumama ang African Swine Fever.
Aniya, kapag naabot na ang naturang hog production ay tiyak na kasunod nito ang pagpapatatag ng suplay at presyo ng karneng baboy.
Sa ngayon, ay malabo pang makamit ang P240 hanggang P250 na kada kilo na presyo ng karneng baboy dahil sa kakulangan ng suplay. | ulat ni Diane Lear