Tiwala si Senate President Pro Tempore Loren Legarda na walang dahilan para makuwestiyon sa Korte Suprema ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Bilang tugon sa kinukwestiyong magkaibang nilalaman na prescription period sa unang inaprubahang bersyon ng Senado ng MIF bill.
Ayon kay legarda, ang umiral na 10 years prescription period para sa mga paglabag at krimen na itinatakda ng MIF bill ay ibinase sa transcript ng talakayan sa floor.
Aniya, tiniyak ng Mataas na Kapulungan na mananatili silang faithful sa discussion sa plenaryo.
Giniit ng senador, na naging maingat ang Senado sa pagbuo nito.
Good development rin para kay Legarda ang pagkakapirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa pinal at nilinis na bersyon ng MIF bill.
Oras na maisabatas ito ay kumpiyansa si Legarda na mas dadami ang mamuhunan sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion