Isinagawa ngayong araw ang 2nd Quarter Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC).
Pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Don Artes ang pulong kasama ang local Disaster Risk Reduction and Management Office sa Metro Manila at member-agencies nito.
Layon ng naturang pulong na talakayin ang mga paghahanda sa iba’t-ibang kalamidad gaya ng lindol.
Kabilang din sa napag-usapan ang pagdaraos ng Metro Manila Shake Drill na gaganapin sa Hulyo ngayong taon kung saan magsasagawa ng mga scenario na maaaring epekto ng malakas na pagyanig.
Ayon kay Artes, mahalaga ang patuloy na paghahanda sa posibilidad na pagtama ng “The Big One” sa Metro Manila. | ulat ni Diane Lear