8 biyahe ng PAL mula at patungong Cotabato, kanselado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpalabas na ng kanilang abiso ang Philippine Airlines (PAL) hinggil sa kanilang mga kanseladong biyahe mula at patungong Cotabato.

Ito ay kasunod ng inilabas na Notice to Airmen (NOTAM) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), hinggil sa limitadong operasyon ng nasabing paliparan dahil sa mga nakitang bitak sa runway nito.

Epektibo ngayong araw, Hunyo 22, kanselado ang PAL flight PR-2959 at PR 2960 na biyaheng Maynila patungong Cotabato at pabalik.

Sa Hulyo 11, kanselado ang PR flight 2957 at 2958 na biyaheng Maynila patungong Cotabato at pabalik.

Gayundin ang PR 2223 at 2224 na bumibiyahe mula Cebu patungong Cotabato at pabalik tuwing Lunes at Huwebes; PR 2487 at PR 2488 mula Cotabato patungong Tawi-Tawi at pabalik.

Una nang inanunsyo ng CAAP na epektibo kahapon, Hunyo 21 ang inilabas nilang NOTAM ay magtatagal naman hanggang sa Agosto 18. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us