Uniform scheme para sa refund at rebooking ng mga airline, ipinapanukala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ang House Bill 8556 na layong maglatag ng iisa o uniform scheme ng refund at rebooking para sa mga airline company.

Tinukoy sa panukala na sa kasalukuyan ay kanya-kanya ng panuntunan ang airline companies para sa mga flight na maaapektuhan ng kalamidad o pandemiya.

“Regulators and authorities have not anticipated the massive effect of the pandemic to the airlines and its passengers. The current Air Passenger Bill of Rights did not anticipate this pandemic, and as legislators, we shall institutionalize measures that the situation may see fit,” sabi sa explanatory note ng panukala.

Sa ilalim nito, ang airline passenger ay papayagan na ma-refund ang kaniyang ibinayad ng walang anumang kailangang bayaran sa airline.

Maaaring hingin ang refund sa loob ng isang taon.

Papayagan din, ang pag-rebook sa naturang ticket papunta sa ibang lugar at ang sisingilin lamang ay ang magiging dagdag sa pamasahe.

Magkakaroon din ng option ang pasahero na ilagay ito sa travel fund na magagamit bilang pambayad sa susunod nitong biyahe at hindi ito lalagyan ng expiration. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us