Kalagayan ng kulungan sa Jolo, ipinasilip ng pamunuan ng PNP sa Sulu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dagsa ang bilang ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa detention facility ng Jolo Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Sulu.

Ito ani P/Lt.Col. Annidul Sali, Hepe ng Jolo MPS ang nadiskubre ng mga tauhan ng Sulu Police Provincial Office nang magtungo ang mga ito sa kanilang himpilan upang tingnan ang kalagayan ng kanilang kulungan doon.

Aniya, umabot na sa nasa 64 ang bilang ng mga PDL sa loob ng 15 kapasidad ng kulungan ng mga lalaki. Habang, anim naman ang para sa limang kapasidad ng mga babaeng PDL.

Kaya salitan na ani Sali ang pagtulog ng mga ito, sa katunayan, may tatlong PDL na lalaki ang namatay dulot ng matinding init ng panahon, may iniindang sakit at congestion sa kanilang piitan.

Nagpatulong na siya ani Sali sa Lokal na Pamahalaan ng Jolo para sa gastusin sa pagpapalaki ng detention cell ng Jolo MPS lalo’t tiyak na madaragdagan pa ang naturang mga PDL dahil patuloy ang kanilang operasyon laban sa mga iligal na aktibidad sa naturang bayan. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us