HAPAG sa Barangay Project, inilunsad ng DILG sa Catanduanes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lalawigan ng Catanduanes ang HAPAG sa Barangay o Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay Project nitong June 23.

Pinangunahan ito ng DILG at Provincial Agricultural and Services Office, kasabay ng iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Napiling venue sa paglulunsad ang Barangay JMA Poniton, Virac bilang ito ang Provincial Showcase Barangay Community Garden sa lalawigan. Mayroon kasi itong community garden at maging ang lahat ng bahay sa lugar ay mayroong ‘backyard garden’.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay PD Uldarico Razal, sinabi nitong ang proyektong ito ay inisyatibo ng pamahalaan upang matugunan ang problema sa ‘food insecurity’ na isa sa mga kinakaharap ngayon ng bansa.

Bukod dito, layunin din aniya ng programang ito na mahikayat ang bawat barangay na magkaroon ng sustainable agriculture. Kung makikiisa aniya ang nasa 42,000 barangay sa buong bansa sa proyektong ito, tiyak na masosolusyonan ang suliranin sa pagkain ng bansa.

Umaasa si Razal na magkakaroon ng ‘domino effect’ ang programa dahil bukod sa pagresolba aniya sa food insecurity, ay magkakaroon din ito ng magandang epekto sa ekonomiya at sa pang-araw-araw na buhay ng bawat mamamayan. | ulat ni Juriz Dela Rosa | RP1 Catanduanes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us