DSWD, tinulungan ang mga pamilyang naipit sa engkuwentro ng militar at rebeldeng NPA sa Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 75 pamilya ang kinakalinga ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa evacuation centers sa Guinobatan, Albay.

Ayon kay DSWD Bicol Field Office Regional Director Norman Laurio, ang mga pamilya ay apektado ng bakbakan ng militar at New People’s Army sa barangay Agpay ng nasabing munisipalidad.

Pinagkalooban na sila ng mga pagkain at non-food items para sa kanilang pangangailangan.

Ang mga apektadong pamilya ay sasailalim din sa psychosocial debriefing ng DSWD upang matulungan sila sa kanilang traumatic experience.

Base sa ulat, nangyari ang engkuwentro ng militar at NPA noong Miyerkules na tumagal ng halos isang oras na nagdulot ng takot sa mga residente. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us