Hindi raw magagamit ang pondo ng publiko sa Maharlika Investment Fund.
Ito ang tiniyak ni National Treasurer Rosalia De Leon, sa gitna ng agam agam ng ilang grupo sa posibilidad na paggamit ng public funds na inilaan para sa social services ng pamahalaan.
Sinabi ni De Leon na may inilaang P50-billion na pondo mula sa national government na ilalagak sa MIF na hindi na kailangang magmula sa pension fund at pondo ng publiko.
Pinawi din ni De Leon ang pangamba sa investment na masusi ang magiging pag-aaral kung saan ilalagak ang pondo ng MIF.
Iginiit pa nito na walang dapat ikatakot ang publiko sa MIF dahil maraming oversight at safeguard na inilaan ang batas para mahigpit na mamonitor ito.
Naipasa na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong bumuo ng Maharlika Investment Fund. | ulat ni Rey Ferrer