Mga aktibidad sa Bulkang Mayon nananatili pa rin, habang nasa alert level 3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mataas pa rin ang aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Patuloy pa rin ang mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.5 km sa Mi-isi Gully at 1.8 km sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 km mula sa crater nito.

Nakapagtala ng 2 volcanic earthquakes, 308 rockfall events, at 1 dome-collapse pyroclastic density current event

Patuloy ang banaag ng tuktok nito, dahil sa patuloy na lava flow, pdc at rock fall events.

Ang sulfur dioxide flux (SO2) ay 744 tonelada bawat araw.  Ang pinakahuling pagsukat na ginawa kahapon (23 Hunyo 2023)

Plume (Steaming): 600 metrong taas; Katamtamang pagsingaw; napadpad sa timog-kanluran at namamaga pa rin ang bulkan. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us