Plantsado na ang plano ng Quezon City government na magtayo ng isa pang bagong ospital sa lungsod Quezon .
Ayon sa LGU, itatayo ang ospital sa Tandang Sora Avenue sa District 6 at tatawaging Tandang Sora Hospital and Medical Center.
Ito ay Level 2 hospital na mayroong 100-bed capacity, Radiology Department, Dialysis Department, Emergency Department, pharmacy, admitting office, Business Center, commercial spaces, at Malasakit Center.
Kabilang na rin sa itatayo rito ay ang Patient at Ward Rooms, Neonatal Intensive Care Unit, Pediatric Intensive Care Unit, Intensive Care Unit complex, laboratory department, doctor’s clinic, parking lots at basement.
Ang bagong ospital ay makakapagbigay ng karagdagan pang mas maagap na serbisyong medikal sa lungsod.
Mas malapit at madali nang mapupuntahan ng mga residente sa Tandang Sora Avenue.| ulat ni Rey Ferrer