Tradisyon na ng karamihan ang idaos ang kapistahan ni San Juan de Bautista sa mga beach at resorts para lumangoy at makisaya kasama ang pamilya.
Halos taon-taon may naitatalang kaso ng pagkakalunod sa kabila ng abiso Philippine Coast Guard (PCG) at ng mga awtoridad na mag-ingat at gabayan ang mga kasamang hindi marunong lumangoy o nasa impluwensya ng alak.
Sa selebrasyon ng kapistahan ni San Juan de Bautista sa Western Visayas kahapon, anim ang naitalang patay matapos malunod.
Sa datos ng Police Regional Office 6, sa anim na namatay, 2 ang naitala sa probinsya ng Iloilo, 1 sa probinsya ng Aklan, 1 sa Guimaras, 1 sa Capiz at sa probinsya ng Negros Occidental.
Sa imbestigasyon ng kapulisan, naiulat na lasing ang tatlo sa anim na namatay habang ang dalawa naman ay nalunod matapos hindi na nakaahon at ang isa ay pinulikat habang lumalangoy. | ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo